Argggh! BACKPAIN!
Simula umaga hanggang hapon… mula noong ako’y maging Grade Three hanggang ngayong halos graduate na ako ng College… lalo na kapag malamig… LAGI NA LANG MASAKIT ANG LIKOD KO!
Sige, given, I am kind of hard-headed. Sinabi nang matulog sa kahoy at iwasan ang fetal position habang natutulog. Sinabi nang ayusin ang posture… Sinabi na ring bawal magbuhat ng mabigat at sinabi na ring kumonsulta ako sa orthopedic doctor (which I already did and I wasn’t at all satisfied) o sa therapist (na by the way ay instructor ko sa anatomy & physiology noong 2nd year ako)…. Pero ginawa ko na ba ang kahit isa sa mga iyon? HINDI!
Kasi naman! I mean, can you totally blame me, seriously? Sinubukan ko for a week na humiga sa kahoy sa pagtulog sa gabi na halos walang unan… Feeling ko magkakaron ako ng orthostatic hypotension at lalo yatang sumakit ang likod ko paggising ko… Sige, ‘wag na lang mag-fetal position… Kailangan mo muna akong igapos para hindi ako magising na nakaganun! Malay ko bang habang tulog ako ay kusa akong bumabaluktot na parang sanggol sa sinapupunan ng nanay ko?!?
OK, ayusin ang posture… straight body! Sige, sinubukan ko rin at pinakapilit-pilit ang sariling ayusin ang kurkubadong pagtayo at pag-upo ko… Good luck naman sa akin! Kaunting oras pa lang ay ngalay at mitig nanaman ang likod ko… ‘Wag magbuhat ng mabigat! Sana hindi ako nursing student. Kung nursing student ka at may Fundamentals of Nursing ka, samahan pa ng MedSurg at NCM, kamusta naman ang pag-iwas sa pagdadala ng mabigat!?
Ayan, habang nag-ta-type ako rito ay masakit ang likod ko. Take note, naka-straight body ako! O ayan, sabi nga ng mga kaklase ko at ng mga CI ko eh magpatingin daw ako sa doktor… Minsan ko nang ginawa iyon at nagbayad ako ng more than a thousand para sa thoraco-lumber x-ray (hindi kasama ang gasolina ng sasakyan sa gastos at ang konsumisyon sa paghihintay ng matagal sa OPD) tapos wala ring nangyari… Magpahaba raw ako ng buhok at mag-mefenamic acid! Sa tingin n’yo ba ganun kadali kumita ng pera sa mga panahong ito?!
Sa BRH nga raw, sabi ni Doc Ilagan — magpatingin daw ako kay Dr. Ernesto Reyes…. hmmm…. kamusta naman ‘yon? Nag-a-affiliate ako sa BRH tapos magiging pasyente ako ng doktor ‘dun? Naalala ko ‘yung comment ng doktor sa Cuenca nang makitang nag-ha-hyperventilate ako sa ER: "Aba’t ang nurse ang naging pasyente!" Nakakahiya kaya ‘yun…
Hayz… anu ba?!