ONCE A BRIDGETINE, ALWAYS A BRIDGETINE
Apat na taon na halos ang nakalipas mula nang magtapos ako sa St. Bridget College. Hindi ako umiyak ng todo ng mga panahong iyon dahil siguro, natabunan ng tuwa ang damdamin ko dahil sa wakas ay natapos ko ang High school. Siguro rin ay hindi ako masyadong nalungkot dahil alam kong hindi naman ako sa Manila mag-aaral. Hindi nga ako nakakuha ng entrance exam sa pinapangarap kong UST dahil may nakapagsabi sa akin na may height requirement daw ang Nursing doon… at kahit paano ako tumayo ng diretso ay hindi ko talaga abot ang 5 feet! Kaya hayun, napaluha man ako ay kaunti lang. Alam ko kasing madali lang bumalik sa SBC.
At eto nga. Ilang beses na akong pabalik-balik sa ‘Saint’. Kahit pa kasi anong sabihin, mahal ko ang paaralang ito dahil super naramdaman kong appreciated ng faculty ang bawat estudyante. Nahasa rin ang pagiging Katoliko ko. Mula nang pumasok ako sa Saint ay mas naging regular ang pagsimba ko. Nakilala ko rin ang lahat ng pari sa parokya namin. Aba, ikaw na ang linggo-linggong magpa-autograph sa paring nagmisa. Isa pa, naka-ilang interview ako sa mga pari noon. Tuwing first Friday of the month, ay nagmimisa sa gym ng SBC. Suki na kami ni Fr. Glen Cantos. Nagsimula rin akong maging aktibo sa church service — naging choir member at reader sa Misa.
Hindi lang ako sa mga pari naging close. Pati sa mga madre. Naging close friend ko si Sr. Mary Celeste F. Yuzon, RGS (oh, kumpleto yan ha!). Napakabait ng mga RGS nuns na nakilala ko sa SBC. Lagi silang open to converse with the students, maging sino ka man! Lahat ata ng nararamdaman ko that time ay alam ni Sr. Les — pati ang kagustuhan kong magmadre rin!
Oo. Hindi ba’t gusto ko naman talaga ang magmadre? Pero may mga pagkakataon na nag-aalinlangan ako. Lalo na kapag nakakadama ako ng pressure. Minsan pa, may mga bagay na talagang nakaka-disturb, lalo na kapag nasa health care arena ka. May mga nangyayaring masaklap. Nariyang makakita ka ng batang may cancer. Mapapatanong ka na lang sa Diyos kung bakit sa musmos pa ipinagkaloob ang ganoong uri ng krus.
Buti na lang Bridgetine ako. Kahit mag-aapat na taon na akong graduate ng Saint, malaya pa rin akong nakakabalik doon at naku! Ang sarap bumalik kasi very warm ang welcome nila kapag may dumadalaw na graduate doon. Literally, niyayakap ako ng teachers ko kapag pumupunta ako doon. Ang sarap ng feeling… Ang gaganda ng ngiti nila sabay sabing ‘Dona, kumusta ka na?’ kapag tumutungtong ulit ako ng SBC. At hindi lang teachers ang nakakatuwa sa Saint. Pati guard, super polite. Ang staff very accomodating. Lalo na si Ma’am Lontoc sa Guidance Office. She offers her services even to a student like me who graduated from SBC 4 years ago.
Isa pa, ang ganda-ganda ng facilities ng Saint. Iba talaga! Parang ang sarap pumasok ulit don. Seryoso!
Nang huling punta ko sa Saint, hinanap ko si Sr. Rose Ababao, RGS. May ikokonsulta lang kasi ako sa kanya tungkol sa vocation at tungkol sa isa pang bagay na nakapagpabigat ng loob ko some days ago. Pero wala si Sr. Rose nang pumunta ako — nasa RGS convent sa Quezon City sya that time. I was really sad kasi kailangan ko talaga ng spiritual guidance that time. Nagdadalawang isip akong mag-doorbell sa kumbento kaya sabi ko sa sarili ko, aalis na lang ako. Pero biglang may sasakyan na nag-park sa harapan ng kumbento at nakita kong may madreng nakasakay. Hinintay ko s’yang bumaba, tapos bumati ako’t nagpakilala, sabay mano sa kanya. Tulad ng ibang RGS nuns at kasapi ng pamilya ng SBC, very warm din s’ya. Nagpakilala s’ya at nalaman kong s’ya si Sr. Emy.
Matagal Kaming nag-usap. Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa gumagambala sa kalooban ko at ang tungkol sa kagustuhan kong magmadre. Matapos n’ya akong i-counsel ay gumaan talaga ang loob ko. Maya-maya pa’y nagtatawanan na kami ni Sister. Sabi n’ya nang makita akong masaya: ‘Buti naman tumatawa ka na. Kanina nang una kitang makita parang problemado ka talaga. Akala ko nga, magbabago ka ng relihiyon eh.’ That explains it. Noong nagpakilala kasi ako sa kanya, sinabi kong I needed to talk to someone kasi may certain conflicts between the medical field and my Catholic values. At biglang sabi ni Sister: ‘Naku, wag mo kaming iiwan… Halika, hija. Mag-usap tayo.’ Akala pala ni Sister, ayoko nang maging Katoliko. Come to think of it, nakikita ko talaga sa kanya ang zeal for souls. Kapag may nangangailangan ng spiritual guidance, they are never too busy to listen and give advice.
Nakakatuwa. Sabi pa sa akin ng mabait na madre: ’Bridgetine ka talaga dahil you believe that A SOUL IS OF MORE VALUE THAN A WORLD. I’m proud of you.’ Hay… Nakakatuwa talaga. Bago kami magpaalaman ni Sr. Emy ay niyakap niya ako (nakailang yakap talaga ako noong araw na yun). Tapos sinabi n’ya sa aking: ‘Nice meeting you, Dona. I will be praying for you.” Ang gaan na ng pakiramdam ko… Masaya akong bumalik sa BSU. Naisip ko na sana lahat ng instructors at educators ay tulad ng mga nasa Saint Bridget College. Sa SBC, ramdam ko talagang mahal nila ako. Hindi ka lang basta estudyante — kapamilya ka, kapuso, kaisa. Ika nga, ONCE A BRIDGETINE, ALWAYS A BRIDGETINE!