NUNS AND A PRIEST… THE DISCERNMENT’S TWIST
High school pa lang ako ay kilala na ako ng mga ka-batch ko sa tawag na “Sister”. Bata pa lang kasi ako, gusto ko nang magmadre. At as expected, mas madami ang mga negative remarks na natatanggap ko tungkol sa matagal ko nang considered “calling”. Kasi nga naman, saan ka nakakita ng madreng kalog at madaldal, samahan pa ng kabanuan ko dati kay Sotz… sino nga namang maniniwalang seryoso ako sa pagmamadre?
Sa totoo lang, kahit ako ay hindi makapaniwalang after all, I am serious about the religious life. Kahit nga kaunti pa’t professional na ako, hindi pa rin nawawala ang masarap na pakiramdam na ito… Masarap ang may ‘call’, promise! A lot of people just don’t understand how I feel but then again, a few like John Paul and Arianne do. ‘Yung iba kasi, iniisip na kaya ako magmamadre ay dahil wala akong boyfriend. The thing is, baliktad yun. Kaya wala akong boyfriend dahil magmamadre ako! It’s true. I’ve tried to heed the advice of Dr. Reyes regarding my call. Sabi n’ya, mag-boyfriend daw muna ako bago ako magmadre. But at the moment, I just can’t bring myself to hold hands and be sweet with a guy when I know inside my heart (and my hypothalamus gland) that I want to become a nun. You see, being called is very much like being in love — only in a slightly different manner because, as in my case, I am in love with Christ. Sabi nga ni Arianne, para rin akong into a relationship because I had to consider my feelings which, as far as I am concerned, are getting deeper and more serious as time goes by.
Pero gaya nga ng sabi ko noon pa man, hindi ako 100% sure na magmamadre ako. Siyempre, it all depends on God’s will. Sabi nga ni Sr. Rose, mangyari pang pwedeng mangyari because I am still very young. Sabi rin nina Sr. Edith at Sr. Linda, one has to discern properly in order to know if the calling is indeed genuine. Kaya nga I give it TEN YEARS! Tsaka pa ako papasok sa kumbento if 10 years from now ay may call pa rin ako. But then again, sabi nga ni Sr. Emy, if I have a call, I have to nurture it… I have the seed… I have to take care of it! Kaya nga eto, super chika ulit ako sa mga madre ngayon. Kasi I need to be guided accordingly. Gusto kong ma-maintain ang relationship with Christ.
Oo… kung inyong mapapansin ay super-chika ako sa mga madre these days. It’s just that I really feel the need to have someone helping me discern this feeling of mine. Sabi nga ni Sr. Rose “You seem very serious about this.” That is SO TRUE! Sana nga lang alam ng parents ko kung gaano ako ka-seryoso.
I wrote them a 5-page letter telling them how I feel about the religious life. Kinakailangan na talagang sabihin kasi nahihirapan na akong magtago sa kanila. Kanina nga ay tumawag sa akin si Fr. Toter and he’s inviting me to go to Lipa next Sunday to meet with him. Hindi naman mali kung tutuusin di’ba? Hindi naman ako siguro mapapariwara kapag pari ang kasama ko di’ba?
I just hope my parents will understand. Hindi pa naman ako magmamadre ngayon. I know God wants me to wait for the right time. Basta ang alam ko ay kailangan kong sabihin sa magulang ko na nakikipag-correspond ako sa mga madre at pari. Kasi ang hirap itago. Kanina nga ay sobrang nagpa-palipitate ako nang itanong sa akin ng mama ko kung bakit may paring tumawag sa akin. Kinabahan ako promise! Sabi n’ya “Baka sa pagmamadre yan ha?”… tapos natawa s’ya… Kung alam n’ya lang… hayz…